Posts

Showing posts from April, 2017

Ang pinoy nga naman!

Ang daming pananaw sa pagiging Pinoy.  Maraming nakikita sa paligid.  Ang daming pwedeng pansinin. Pero sa lahat ng ito, nabubuo ba ang pagiging Pinoy natin? Nabubuo ito.  Nabuo na ito noon pa bago dumating ang mga Kastila, bago pa sakupin ng Amerika, Hapon, at noong nakamit natin ang kasarinlan.  Hanggang ngayon pagkatapos ng Martial Law, nagbagong pamahalaan, at kahit ngayon sa pagpapalit ng presidente ng Pilipinas, nahuhubog pa rin ang ating pagiging Pinoy. Sana, sa mga takbo ng panahon, nalalaman natin kung paano tayo nagiging tunay na Pinoy.